Ano Ang Tatlong Uri Ng Mitolohiya
Ano ang tatlong uri ng mitolohiya
Answer:
Ang tatlong uri ng mitolohiya ay
Explanation:
Mga Uri ng Mitolohiya
Posted on December 1, 2015 by Blogadag
Ang mga Diyos at Diyosa: Kanilang mga Gawain at Pakikipag-uganayan (The Gods: Their Activities and Relationships)
Ang mitolihiyang ito ay pumapaksa sa mga diyos at diyosa at ang kanilang kamangha-mangahang kakayahan. Dito ay nakikipag-ugnayan ang mga diyos at diyosa sa tao. May mga pagkakataon pang sila ay nagkakaroon ng anak sa tao. Ang mitolohiyang Griyego at Romano ay nasa uring ito. Sa Pilipinas, may mga mitolohiya rin tayong tungkols sa ugnayan ng diyos at diyosa sa tao at isa sa mga halimbawa nito ay ang kuwento ni Lumawig na pinaniniwalang lumikha sa mga Igorot.
Pinanggaling ng Daigdig at Uniberso (Cosmology and Cosmogony)
Isinisalaysay sa mitolohiyang ito ang mga kuwento ukol sa pagbuo ng daigdig at ng mga bagay na makikita rito. Kabilang dito ang mga kuwento hinggil sa pagkakabuo ng lupa, langit, mga bituin, buwan, at araw. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
a. Hermopolis – Bumukal ang mitolohiyang ito na nagpapaliwanag sa paglikha ng daigdig sa Lungsod ng Hermopolis sa sinaunang Ehipto. Ayon dito, ang sinaunang katubigan ay nilikha ng walong diyos na ang tawag ay Ogdoad.
b. Coatlicue o Teteoinan – Ito ay mitolohiya ng mga Aztec. Naniniwala silang si Teteoinan ang ina ng mga diyos at diyosa. Ayosn sa mitolohiyang ito, ipinanganak ni Teteoinan ang buwan at mga bituin. Siya rin ang ina ni Huitzilpochtli na diyos ng araw at digmaan.
c. Viracocha – Ito ay mitolohiya ng mga Inca sa rehiyong andes ng Timog America. Ayon sa mitolohiyang ito, si Viracocha ang may lalang ng lahat ng bagay sa daigdig. Siya rin ang may likha ng buong uniberso – araw, mga bituin, at buwan. Siya ang dahilan kung bakit tumatakbo ang oras sa pamamagitan ng pag-utos sa araw na gumalaw.
Katangiang Topograpikal ng Daigdig (Topographical Feautures of the Earth; water and land features)
Isinasalaysay sa mitolohiyang ito ang mga paliwanag at dahilan kung paano nagkaroon ng kani-kaniyang katangiang topograpikal ang daigdig. Sa Pilipinas, isinalaysay kung paanong naging watak-watak ang mga pulo ng ating bansa.
Pandaigdigang Kalamidad (World Calamities; The Great Flood)
Sa mitolihiyang ito, isinasalaysa na ang mga diyos ay nagpapadala ng malaking baha upang parusahan ang mga taong nagkakasala sakaniya. Ilan sa mga halimbaw nito ay:
a. Kuwento ni Noah – Ayon sa Bibliya nagbabala ang Diyos kay Noah na magkakaroon ng malaking baha at kailangan miyang gumawa ng arko upang isalba ang mga kaanak na naging matapat sa paglilingkod sa Diyos maging ang iba't ibang uri ng hayop.
b. Mitolohiyang Mayan – Naniniwala ang mga sinaunang Mayan na ginamit ng mga diyos ang baha upang anurin ang mga kahoy na nililok ng tao ng mga diyos at diyosa bilang pagtatangka na makalikha ng tao.
c. Mitolohiyang Sumerian – Ayon sa kanilang mitolohiya, naging labis na maingay ang mga tao dahil sa samu't sari nilang gawain. Dahil dito, nagpadadala ng malaking baha sa lupa ang diyos na si Enlil upang puksain ang mga tao. Ngunit bago pa man maisakatuparan ni Enlil ang kaniyang balak, naipaalam na ito ng diyos na si Enki kay Haring Ziusudra. Nakapagpagawa ang hari ng alaking bangka kaya nagawa niyang mailigtas ang kaniyang kaanak at mga hayop.
Pagkakaroon ng Natural na Daloy (Establishment of the Natural Order)
Ang mitolohiyang ito ay nagsalaysay kung paano nagkaroon ng maayos na daloy ng buhay ang mundo.
Comments
Post a Comment